(by maricar alquizola)
Tara na sa hinaharap
Hayaan mo nang lumaya
Ang puso mong nagsawa
Bitaw na.
Taposin mo na lahat
Iwagli na sa iyong alaala
Mga bagay na wala ng halaga
Bitaw na.
Huwag ka nang umasa pa
Baka ikaw pa ay magdusa
Sa iyong mga maling akala
Bitaw na.
Di ba sinabi na niya?
Isa ka lang sa kanila
Kaya hindi ka naging iba
Bitaw na.
Bakit mo pa pahihirapan
Ang iyong sarili kaibigan
Mahalaga ka ba talaga sa kanya?
Kaya, sana bitaw na.
Dadaan ang maraming taon
Dadating din ang panahon
Na ikaw ay muling babangon
Bitawan mo na, oo bitaw na!
10/25/2015 at 7:28am | MTA ©
No comments:
Post a Comment