(by maricar alquizola)
Tama na!
Utang na loob!
Patulugin mo ako!
Pagod na ang aking katawan
Napapapikit na ang aking mga mata
Pero mukha mo pa din ang nasisilayan.
Tama na!
Tigilan mo na ako.
Ayaw ko na sa'yo!
Sabi ng utak ko na pakawalan ka na
Pero kumikirot pa rin ang puso ko
Tuwing naiisip at naalala kita!
Tama na!
Iniisip mo din ba ako?
Sana tigilan mo na!
Dahil gabi-gabi hindi ako mapakali
Inaanatay ko ang mga mensahe mo
Ang walang hanggang usapan.
Parang awa mo na..
Tama na!
Hindi ko na kaya 'to!
Parang sasabog na ang dibdib ko
Pero nilalabanan pa din ng isip ko
Hindi na sila balanse ng dahil sa'yo!
Tama na, tama na!
Pagod na pagod na ako.
Taposin mo na ang bangungot na 'to!
Ayaw ko nang mabuhay ng ganito
Masyado na akong apektado
Kaya kung panaginip ito, tama na!
Written last October 20, 2015 at 12:20am
All rights reserved ® by MTA ©
No comments:
Post a Comment