Sunday, October 25, 2015

Isang Linggo

(by maricar alquizola)

Isang linggo lang ang taning ko
Na mawala ka na sa aking isipan
Isang linggo mula ng tayo ay nagpasya
Na hindi na muli pang magkikita..

Subalit, isang linggo na ang nakalipas
Naalala pa din kita sa pinakasulok ng aking isip
Hindi ka pa din mawagli sa aking puso
Pinabibigat mo pa din itong aking dibdib..

Isang linggo, akala ko ay madali lang
Mali pala ako, sadyang andito ka pa din
Nakaukit pa din ang mga larawan mo
Sa bubong ng apat na sulok ng aking kwarto..

Isang linggo, Oo isang linggo!
Akala ko ay makakahinga na ako
Pero sa mga panahon na naglalakad sa kalye
Mga hakbang natin ang aking nakikita sa daan.

Isang linggo, mahabang isang linggo
Hindi pala talaga kaya ng isang linggo
Hanggang kelan ko kaya dadamdamin ito
Bakit hindi pwedeng hanggang isang linggo!

10/21/2015 at 12: 27am
All rights reserved ® by MTA ©

No comments:

Post a Comment