Tuesday, December 15, 2015

Ang Pusong Nanlalamig


Wright Park, Baguio City   


Pumunta ako sa Baguio upang magbakasyon,
Nagsawa na ako sa aking buhay sa syudad, 
Kung saan sobra ang init at alikabok sa daan,
Kaya nagpakalayo ako at naglakbay sa isang mahabang biyahe.

Pagdating ko sa City of Pines ay dama ko na ang malamig na simoy ng hangin,
Ang paligid na napapalibutan ng mga mabeberdeng puno,
Mga hardin kung saan makikita ang mga namumukadkad na mga bulaklak.

Pero bakit ganoon? 
Bakit hindi ko magawang maging masaya?
Giniginaw ang aking buong katawan pero mas nilalamig ang puso ko,
Para bang may yelo na nakasabit sa aking dibdib at hinahanap ang init ng iyong pagmamahal,
Ang init ng mahigpit mong yakap sabay sabi na ako ay iyong sinisinta.

Bakit ganito ang lamig na nararamdaman ko?
Tagos sa puso hanggang buto na para bang hindi ako makagalaw,
Sana pala ay hindi na ako naglakbay sa malamig na lugar na ito,
Sana ay naglakbay ako sa isang lugar na makakapagbigay init sa nilalamig kong puso.

Pinilit kung lakarin ang kahabaan ng Session Road,
Nagbabakasalali na ang lamig sa loob ng dibdib ay mag-init at mapawi,
Ngunit hindi kayang magpawis sa malamig na panahon,
Hindi kayang painitin muli ang puso na naninigas na sa lamig,
Dahil sa paglisan ng nag-iinit mong pag-ibig!


-maricar alquizola 
12/04/2015 at 1:05am | MTA © 




No comments:

Post a Comment