Photo from www.freewallpaperfullhd.com
Habang naglalakad sa dalampasigan,
Aninag ko ang liwanag ng nakangiting
buwan,
Naalala ko ang mga ngiting tila ba,
Di pa rin nawawagli sa aking isipan.
Nakapaligid sa gitna ng kadiliman,
Ang mga kumukuti-kutitap na bituin,
Tila ba mga mata na nagniningning,
Habang kausap ka tungkol sa mga
hilig na sining.
Ang buwan na para bang sinusundan,
Mga yapak ko sa mabatong daanan,
Sana ay nakatingan ka sa kalawakan,
Para iisa ang tingin natin sa kasalukuyan.
Ang mga bituin na nagpapapansin
Inaakit ako sa taglay nilang kinang
Sana'y nakikita mo din sila kung saan
ka man,
Dahil sa bawat bituin sa iyong paningin,
Ikaw ang aking hiling at panalangin.
-maricar t. alquizola
11/23/2015 at 7:19pm | MTA ©
No comments:
Post a Comment